Yesterday was the birthday of one of my dearly beloved friends
Alvin. I'd like to share his thoughts with you.
Tuwing sasapit ang kaarawan ninuman, unang pinasasalamatan si Lord. At ang susunod siguro hindi lahat nakakaisip nito, ang ating mga magulang, especially ang mga nanay natin.
Kaya naman sa espesyal na araw na ito ng aking buhay, matapos kung pasalamatan si Lord sa muli niyang pagpapahiram ng buhay sa akin, nais kung bigyan muli ng pagpupugay ang aking nanay.
Hindi naman ako nanayÕs boy, marahil ay litaw lang at natural lang sa akin ang maging malambing sa aking nanay. Ako sa magkakapatid ang laging nakapulupot sa nanay ko kapag nanlalambing, kapag natutulog sya, tatabihan ko sya at yayakapin, at laging humahalik sa pisngi.
Sa mga nagdaang panahon na nakapiling si nanay, gagap pa ng aking ala-ala ang mga pagkakataong kapiling ko siya. Sa murang isipan ay tinuruan na nya kami ng gawaing bahay, ang maghugas ng pinagkainan. Sa kanya ko nasalamin ang repleksyon ng isang inang huwaran, gagawin lahat para lang sa aming anak niya. Kabilang dyan ay ang pagtulong niya sa aking tatay upang magkaroon ng ekstra income, nagmamanicure nanay ko sa mga co-teacher ng tatay ko, sa Mayor namin at pamilya nito sa aming bayan, sa mga kapitbahay namin, sa mga magulang ng mga kaklase ko at kung sino pang mga kalapit na kakilala. Maraming paa at kamay na ang ÒnaalagaanÓ nya. (kaya ngaÕt napapangiti ako lagi kapag may nararamdaman akong engrown sa kuko sa aking hinlalaki sa paa, naaalala ko sya),
Malinis sa bahay ang nanay ko, tanda ko pa kung pano nya lampasuhin at is-isin ng eskoba na may sabon ang aming sementong sahig dun sa unang bahay na kinalakhan ko, at ng lumipat kami sa bahay ng lolo ko, dun naman sya nagflofloorwax ng pula sa sementong sahig, (dun ko siguro nakuha yung pagiging malinis ko sa bahay, naks! At tanda ko pa noong nasa kolehiyo na ako at kung umuuwi ako sa probinsya twing bakasyon e ako ang nangangalaga ng sahig namin, nagbubunot, naglalampaso, nagpapakintab)
Labis ang pag-aaruga ni Nanay sa amin, sa aking gunita ay buhay pa yung ala-ala na pinaliliguan niya kami sa may poso sa tapat ng gaming bahay. Gamit ang batong panghilod at labakara (bimpo) ay tinatyaga niyang linisin ang aking kili-kili, talampakan, singit, likod hanggang matanggal ang libag sa katawan. Nakakakiliti! Gayundin ang ginagawa niyang paglilinis ng aking tenga, hihilig ako sa kandungan ni Nanay at tyatyagain niyang tangalin ang aking tutuli. Ito ang talagang nakakakiliti dahil nakapikit ako habang ginagawa ni Nanay ito sa akin.
Mahaba ang litaniya ng ala-ala ng aking kabataan, kabilang ang pag-angkas ko sa bisekleta ni Tatay habang si nanay ang nagpepedal patungo ng palengke, ang pagsasabit ni nanay ng ribbon at medal sa akin twing pagtatapos ng school year. Ng sumapit ang huling taon ko sa high school, napagod ang nanay ko kabilang ang tatayo ko at ang loloÕt lola ko sa pag-akyat sa entabaldo sa halos mahigit sa isang dosenang medalya ng karangalang nakamit ko.
At sa pag-aral ko dito sa Maynila, nalayo ako kay nanay, tanging sulat lang kapag nagpapadala sila ni tatay ng allowance dito sa amin ng kuya ko ang aming naging komunikasyon. Di ko nasundan kong anong mga paghihirap ang dinaranas nila ni tatay sa aming bayan para lang makapag-aral kami ni kuya. At sa mga sulat ni Nanay lagi nyang nababanggit. Òpagbutihin namin pag-aaral namin, pagkasyahin at pagtiyagaan na lang namin ang kanilang pinadadala gayundin ang pakikitira sa aming kamaganakan dito sa Maynila.Ó
Limang taon ang lumipas, matapos ang pag-aaral ko sa kolehiyo, binuno nina nanay at tatay ang pag-aaral naming magkakapatid, napagtapos ako ng maayos. Tuwing sembreak, bakasyon, pasko at iba pang okasyon, dun ko lang nakakapiling ang nanay at tatay ko. Sa panahon ng nagsisimula ko ng makamtan ang aking tagumpay, dun na ginupo ng sakit si nanay, kidney Malfunction, at kinakailangang ng mahabang gamutan, maraming operasyon ang nagdaan, pero nakatayo pa rin si nanay at patuloy na naglilingkod sa aming mga anak niya.
Minsan, sinamahan ko si nanay noon sa PGH, magpapacheck-up, kagagaling lang niyang operasyon ng isang linggo, may tubo pang nakakabit sa tyan, nagcommute kami pauwi na, sa tapat ng Quiapo dun kami bababa, nauna akong bumaba, at kasunod ang nanay ko na dahan dahan pa, pero ang lintek na dyip umandar, nahulog ang nanay ko sa dyip, napasalampak sa kalsada, ang hinayupak na dyip umarangkada ng takbo, galit na galit akong humabol sa dyip pero wala na akong nagawaÉ.awang-awa ako sa nanay ko noonÉawang-awa, kayat sa twing may ganitong sitwasyon akong nakikita ko o nararanasan, si nanay ang aking naaalala.
Sa guhit ng tadhana, naunang pumanaw si tatay habang nakaratay si nanay sa ospital dito sa manila. Isang araw ang lumipas, ako ang kasama niya sa ospital, walang kamalay malay si nanay na nauna na si tatay at tandang tanda ko pa, pinagmamasdan niya ang wedding ring nila noon ni tatay. Makalipas ang isang araw, isiniwalat ng aking mga tiyahin sa aking mahal na nanay ang pagpanaw ni tatay. Napupunit ang puso ko ng marinig ang palahaw ni nanay habang nakaupo ako sa labas ng kuwarto niya sa ospital, di ko makakayanang makita ang reaksyon niya habang ipinapaalam ang pagpanaw ni tatay.
Pero, kelangan ituloy ang buhay, kailangang ipagpatuloy ang hamon ng tadhana. Kayat habang sumasailalim ng gamutan si nanay ay kapiling naming sya dito sa maynila. Nang panahong iyon, nagsisimula na akong maghanap-buhay, bilang pangtustos na rin sa mga gastusin sa pagpapagamot ni nanay. May mga pagkakataong nagkakasarilinan kami ni nanay at ito yung mga sandaling kaylan may di mawawalay sa isip ko. Sabi nya sa akin Ògusto ko pang mabuhay ng mahaba para sama-sama tayoÓ. (hindi ito bola, habang tinatype ko ang bahaging ito, umaagos ang luha ko at may lump sa lalamunan ko)É
Hanep talaga si nanay sa pagaaruga, minsan pagkagaling ko sa trabaho ko, aba ang mga damit namin ni kuya, nakasampay na at kanyang nilabhan. SAbi ng tita ko kung saan kami nakitira noon sa Malabon, tinatyaga ni nanay labhan ang aming damit para wala na kaming labahan pag-uwi. Di ko maimagine, si nanay nasa gripo sa labasan, payat pero manas ang mga paa at mukha, nakaumbok ang kanyang tiyan kasi may empty container na nakakabit sa kanyang tagiliran na nilalabasan at sinasalinan ng dialysis solution, naglalaba.
Wala pang isang taon ng pumanaw si tatay, sumunod na si nanay. Masakit pero tinanggap na namin. Sa huling oras ni nanay sa aming probinsya, sabi ng aking lola, ako ang huling hinahanap ni nanay. Habang unti unting nawawala ang init ng katawan ni nanay, mula binti papataas sa bahagi ng kanyang katawan, hinihintay pala niya na akoÕy dumating.
Ngayong aking kaarawan, naalala ko ang niluluto niya na paborito naming magkakapatid. Mayroong may birthday sa amin at may espesyal na okasyon kapag ito ang ulam naminÉang giniling o tinadtaranÉ.at naalala ko ang espesyal na gulaman at leche plan na gawa ni nanayÉ.gayundin ang peanut butter at mazapan na ginagawa niyaÉ
Dami ko ng luha na ibinuhos tuwing nangungulila ako sa aking nanay? Sa panahong may problema ako at gusto ko ng matatakbuhan, sana nandyan sya. At may magaganda, masagana at masayang sandaling sana ay kapiling at kahati ko syaÉ.
Tanda mo ba yung commercial ng Mcdonald na may scene na mag-asawa, may sakit yung babae, sabi nya, ..Óyung kurtinaÓÉÓyung unanÓÉÓbili ka na ng meriendaÓÉ.alam mo na ba?ÉDi ba ang lupet, may sakit na iyong babae, pero sa bandang huli, iyung asawa pa rin nya ang nasa isip niyaÉ
Ganun ang nanay, may sakit na sya pero super pa rin sa pag-aaruga sa amin, mamatay na sya pero kami pa rin ang nasa isip niya, at maging sa huling hininga niya, kami pa rin ang inaalala niyaÉ
At ito pa ang bagong commercial ng Maggi Spaghetti, isang bata pauwi ng bahay galing sa kanilang paaralan..sabi niya sa mga taong kakilala niya sa daanÉ.Óbirthday ko ngayunÓÉÓbirthday ko po ngayunÓÉ.at pagdating sa kanila, nagluluto ang nanay niya ng isang masarap na spaghettiÉ.isang mainit na halik ang iginawad niya sa nanay niya bilang ganti ng pagmamahalÉ.. Óbirthday ko ulit bukasÓÉ
Kayo? kelangan mo pa bang hintayin na magkaroon ng commercial sa tv gaya ng Mcdo at Maggi bago mo maisip ang dapat mong gawin... swerte ka siguro, kasama mo pa ang nanay mo. Kaya kung ako sa inyo, iparamdam nyo na ang dapat, gawin ang tama... mahalin mo sya.... minsan pag-uwi mo, pasalubungan mo sya ng hamburger at french fries.. samahan mo na rin ng yakap at halikÉsaka mo sabihin, ÒNanay I love you! Salamat ng marami sa pagbibigay buhay sa akin.Ó
Birthday ko na naman ngayun Nanay, kain sana tayo sa McDO o ipagluluto mo sana ako ng SpaghettiÉ.sanaÉ..