Kain Tayo sa McDO Nanay o Ipagluto mo ako ng Spaghetti
Tuwing sasapit ang kaarawan ninuman, unang pinasasalamatan si Lord. At ang susunod siguro hindi lahat nakakaisip nito, ang ating mga magulang, especially ang mga nanay natin.
Kaya naman sa espesyal na araw na ito ng aking buhay, matapos kung pasalamatan si Lord sa muli niyang pagpapahiram ng buhay sa akin, nais kung bigyan muli ng pagpupugay ang aking nanay.
Labis ang pag-aaruga ni Nanay sa amin, sa aking gunita ay buhay pa yung ala-ala na pinaliliguan niya kami sa may poso sa tapat ng gaming bahay. Gamit ang batong panghilod at labakara (bimpo) ay tinatyaga niyang linisin ang aking kili-kili, talampakan, singit, likod hanggang matanggal ang libag sa katawan. Nakakakiliti! Gayundin ang ginagawa niyang paglilinis ng aking tenga, hihilig ako sa kandungan ni Nanay at tyatyagain niyang tangalin ang aking tutuli. Ito ang talagang nakakakiliti dahil nakapikit ako habang ginagawa ni Nanay ito sa akin.
Limang taon ang lumipas, matapos ang pag-aaral ko sa kolehiyo, binuno nina nanay at tatay ang pag-aaral naming magkakapatid, napagtapos ako ng maayos. Tuwing sembreak, bakasyon, pasko at iba pang okasyon, dun ko lang nakakapiling ang nanay at tatay ko. Sa panahon ng nagsisimula ko ng makamtan ang aking tagumpay, dun na ginupo ng sakit si nanay, kidney Malfunction, at kinakailangang ng mahabang gamutan, maraming operasyon ang nagdaan, pero nakatayo pa rin si nanay at patuloy na naglilingkod sa aming mga anak niya.
Minsan, sinamahan ko si nanay noon sa PGH, magpapacheck-up, kagagaling lang niyang operasyon ng isang linggo, may tubo pang nakakabit sa tyan, nagcommute kami pauwi na, sa tapat ng Quiapo dun kami bababa, nauna akong bumaba, at kasunod ang nanay ko na dahan dahan pa, pero ang lintek na dyip umandar, nahulog ang nanay ko sa dyip, napasalampak sa kalsada, ang hinayupak na dyip umarangkada ng takbo, galit na galit akong humabol sa dyip pero wala na akong nagawaÉ.awang-awa ako sa nanay ko noonÉawang-awa, kayat sa twing may ganitong sitwasyon akong nakikita ko o nararanasan, si nanay ang aking naaalala.
Hanep talaga si nanay sa pagaaruga, minsan pagkagaling ko sa trabaho ko, aba ang mga damit namin ni kuya, nakasampay na at kanyang nilabhan. SAbi ng tita ko kung saan kami nakitira noon sa Malabon, tinatyaga ni nanay labhan ang aming damit para wala na kaming labahan pag-uwi. Di ko maimagine, si nanay nasa gripo sa labasan, payat pero manas ang mga paa at mukha, nakaumbok ang kanyang tiyan kasi may empty container na nakakabit sa kanyang tagiliran na nilalabasan at sinasalinan ng dialysis solution, naglalaba.
Wala pang isang taon ng pumanaw si tatay, sumunod na si nanay. Masakit pero tinanggap na namin. Sa huling oras ni nanay sa aming probinsya, sabi ng aking lola, ako ang huling hinahanap ni nanay. Habang unti unting nawawala ang init ng katawan ni nanay, mula binti papataas sa bahagi ng kanyang katawan, hinihintay pala niya na akoÕy dumating.
Ngayong aking kaarawan, naalala ko ang niluluto niya na paborito naming magkakapatid. Mayroong may birthday sa amin at may espesyal na okasyon kapag ito ang ulam naminÉang giniling o tinadtaranÉ.at naalala ko ang espesyal na gulaman at leche plan na gawa ni nanayÉ.gayundin ang peanut butter at mazapan na ginagawa niyaÉ
Dami ko ng luha na ibinuhos tuwing nangungulila ako sa aking nanay? Sa panahong may problema ako at gusto ko ng matatakbuhan, sana nandyan sya. At may magaganda, masagana at masayang sandaling sana ay kapiling at kahati ko syaÉ.
Tanda mo ba yung commercial ng Mcdonald na may scene na mag-asawa, may sakit yung babae, sabi nya, ..Óyung kurtinaÓÉÓyung unanÓÉÓbili ka na ng meriendaÓÉ.alam mo na ba?ÉDi ba ang lupet, may sakit na iyong babae, pero sa bandang huli, iyung asawa pa rin nya ang nasa isip niyaÉ
Ganun ang nanay, may sakit na sya pero super pa rin sa pag-aaruga sa amin, mamatay na sya pero kami pa rin ang nasa isip niya, at maging sa huling hininga niya, kami pa rin ang inaalala niyaÉ
At ito pa ang bagong commercial ng Maggi Spaghetti, isang bata pauwi ng bahay galing sa kanilang paaralan..sabi niya sa mga taong kakilala niya sa daanÉ.Óbirthday ko ngayunÓÉÓbirthday ko po ngayunÓÉ.at pagdating sa kanila, nagluluto ang nanay niya ng isang masarap na spaghettiÉ.isang mainit na halik ang iginawad niya sa nanay niya bilang ganti ng pagmamahalÉ.. Óbirthday ko ulit bukasÓÉ
Kayo? kelangan mo pa bang hintayin na magkaroon ng commercial sa tv gaya ng Mcdo at Maggi bago mo maisip ang dapat mong gawin... swerte ka siguro, kasama mo pa ang nanay mo. Kaya kung ako sa inyo, iparamdam nyo na ang dapat, gawin ang tama... mahalin mo sya.... minsan pag-uwi mo, pasalubungan mo sya ng hamburger at french fries.. samahan mo na rin ng yakap at halikÉsaka mo sabihin, ÒNanay I love you! Salamat ng marami sa pagbibigay buhay sa akin.Ó
3 Comments:
Read it, read it, read it. Very touchy! My mother passed away many, many years ago and if I had to make one wish now, I'd like to see her, feel her, let her see my lovely children.
Sometimes I take my parents for granted but whenever I have the opportunity, I show them how much I love and appreciate them. I owe everything to them and greatly in gratitude to God for givin me the most wonderful parents. Though there were times that we tend to disagree with things.
mas kakatakot pag bumalik nga yung nanay nya para magluto ng spaghetti.
spaghetti from beyond da grave!
Post a Comment
<< Home