Chikka sa FX
Kahapon pumunta ako sa Makati. Nag-FX ako sa Taft. Mayamaya may sumakay as unahan at chinika ng driver (kze kaming dalawa lang ung nagkwewentuhan eh). Tinanong nya san nag-aaral si Ms. Sagot "sa La Salle". Benilde daw ba? "Hindi po" sabi ni Ms. La Salle mismo Sabi ni driver "bobo daw ba ang mga taga-doon at mapoporma lang?" (grabe din sya noh?). Ipinagtanggol naman niya ang mga schoolmate "mayayaman lang po Times three ang tuition nila". Juice me "buti sa amin mura ang tuition namin sayang ang pera" sabi ko. "Taga TUP ka ba" usisa ni manong (di ko alam kung PUP o TUP pero TUP dinig ko eh). "UP Los BaƱos po" "Magkano sa inyo?" "Mga higit five thousand lang po. Mas mura ung sa kapatid ko sa PLM mahigit PHP2700 lang." "21 units yun?" "Hindi po ako nagtwetwenty-one, twenty lang po, pero kasama na doon sa five thousand lahat lahat pati lab. May kaibigan po ako dyan sa La Salle PH45,000" "Grabe sa isang semester sa Benilde mahigit isang daang libo! Ako noon sa FEU PHP750 lang pero ngayon mahal na din bente mil na. Maraming mayaman dyan sa UP Manila di ba?" "Nagtitipid. Sayang naman po kze eh. Isang semester nila isang college na namin. Kaya dapat po mag-aral nang mabuti. Minsan nasa estudyante lang po yan wala sa eskwelahan kze may mga kaklase nga ako di na pumapasok pag exam lang."
0 Comments:
Post a Comment
<< Home