Ang Magtataho
Sa
tagal ko nang kumakain ng taho, kanina lang ako nakakita ng matandang
naglalako. Sa wari ko ay 70 anyos na si tatang. Mabagal maglakad. Pasan-pasan
nya sa balikat ang mga lalagyan ng taho at ng arnibal at sago, tila bigat na
bjgat sa kanyang dala. Kasalubong ko siya kaya tinawag ko. Huminto siya.
Taliwas sa aking akala, hindi na aabot sa kalahati ang taho. Paubos na rin ang
arnibal at sago. Sumalok sya para sa akin. Habang ginagawa niya iyon,
ipinagmamalaki niya ang kanyang produkto. Tama siya na hindi maganda ang durog
na taho. At sa paraan ng paglagay niya ng arnibal, hindi na kailangan pang
haluin upang lumasa.
Masaya si tatang na umalis. At ako naman ay nagmuni-muni habang kami ay papalayo sa isa't-isa.
Labels: #soyabean curd, #taho
0 Comments:
Post a Comment
<< Home